Diyalogo Hinggil sa Dalawang Pangunahing mga Sistema ng Mundo
Blurb
Ang Diyalogo Hinggil sa Dalawang Pangunahing mga Sistema ng Mundo ay isang aklat na sinulat ni Galileo Galilei na inilabas sa taong 1632 sa wikang Italiano na nagkumpara sa sistemang Copernican sa tradisyunal na sistemang Ptolemaic. Isinalin ito sa Latin bilang Systema cosmicum noong 1635 ni Matthias Bernegger. Ang aklat, na inihandog sa patron ni Galileo, Ferdinando II de' Medici, Dakilang Duke of Tuskanya at hinatid sa kanya noong 22 Pebrero 1632, ay naging mabenta.Sa sistemang Copernikano, ang Daigdig at iba pang planeta ay umiikot sa Araw, samantalang sa sistemang Ptolemaiko ang lahat ng nasa kalangitan ay umiikot sa Daigdig. Ang Dialogue ay inilathala sa Florence sa ilalim ng isang pormal na pahintulot mula sa Inquisition. Noong 1633, hinatulan si Galileo na "masidhing pinaghihinalaan ng erehiya" batay sa naturang aklat, na inilagay sa Listahan ng mga Bawal na Aklat at nanatili dito hanggang 1835 Sa isang aksiyon na hindi inihayag sa panahong iyon, ang paglathala ng ibang kahit anong mga sulatin o isusulat pa lang nya ay ipinagbawal din.
Member Reviews Write your own review
Be the first person to review
Log in to comment