Les Misérables, tome 1

Novel, Historical fiction by Victor Hugo

Blurb

Ang Les Misérables, isinasalin mula sa Pranses bilang "Ang mga Kahabaghabag" ay isang kathambuhay ng Pranses na manunulat na si Victor Hugo at malawakang itinuturing na isa sa pinakadakilang mga nobela ng ika-19 daang taon. Sinusundan nito ang mga buhay at mga pakikisalamuha ng ilang mga tauhan Pranses sa loob ng panahon ng dalawampung mga taon noong ika-19 daang taon, magmula 1815, ang taon ng huling pagkagapi ni Napoleon sa Waterloo.
Nakatuon ang nobela sa mga pakikibaka ng dating bilanggong si Jean Valjean at ng kanyang karanasan ng katubusan. Sinusuri nito ang kalikasan ng batas at ng awa, at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Pransiya, arkitektura ng Paris, politika, pilosopiyang moral, antimonarkismo, katarungan, relihiyon, at mga uri at kalikasan ng pag-ibig na romantiko at pangmag-anak. Isang kathang-isip na pangkasaysayan ang kuwento sapagkat naglalaman ito ng totoo at makasaysayang mga kaganapan, kabilang ang Pag-aalsa sa Paris noong 1832.
Nakikilala ng marami ang Les Misérables sa pamamagitan ng marami nitong anyo ng pagtatanghal sa mga teatro at mga pelikula, katulad ng pagtatanghal na may tugtugin na may kaparehong pamagat, na paminsan-pinsang dinadaglat bilang "Les Mis".

First Published

1862

Member Reviews Write your own review

Be the first person to review

Log in to comment