Les Miserables, Volume 1 (in French)
Blurb
Ang Les Misérables, isinasalin mula sa Pranses bilang "Ang mga Kahabaghabag" ay isang kathambuhay ng Pranses na manunulat na si Victor Hugo at malawakang itinuturing na isa sa pinakadakilang mga nobela ng ika-19 daang taon. Sinusundan nito ang mga buhay at mga pakikisalamuha ng ilang mga tauhan Pranses sa loob ng panahon ng dalawampung mga taon noong ika-19 daang taon, magmula 1815, ang taon ng huling pagkagapi ni Napoleon sa Waterloo.Nakatuon ang nobela sa mga pakikibaka ng dating bilanggong si Jean Valjean at ng kanyang karanasan ng katubusan. Sinusuri nito ang kalikasan ng batas at ng awa, at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Pransiya, arkitektura ng Paris, politika, pilosopiyang moral, antimonarkismo, katarungan, relihiyon, at mga uri at kalikasan ng pag-ibig na romantiko at pangmag-anak. Isang kathang-isip na pangkasaysayan ang kuwento sapagkat naglalaman ito ng totoo at makasaysayang mga kaganapan, kabilang ang Pag-aalsa sa Paris noong 1832.
Nakikilala ng marami ang Les Misérables sa pamamagitan ng marami nitong anyo ng pagtatanghal sa mga teatro at mga pelikula, katulad ng pagtatanghal na may tugtugin na may kaparehong pamagat, na paminsan-pinsang dinadaglat bilang "Les Mis".
Member Reviews Write your own review
Minda.whiteley.1
I hate musical so I stayed away from this book. I decided that I should give a try and I was amazed
Be the first person to review
Eduardoleal25
Um dos melhores que já li.
Be the first person to review