Romeo y Julieta
Blurb
Ang Romeo at Julieta ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare. Ang dula ay patungkol sa una sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya't naging magkaaway, kung kaya't ang lahat ng kanilang kabataang mga tagapaglingkod ay naging magkakaaway din. Ang kabataang mga lalaking naglilingkod para sa mga Montague at sa mga Capulet ay nasali sa mga barkada o mga gang at naglalaban-laban sa mga kalye. Dahil sa naging gawi ang pagdadala ng espada, kung minsan mayroong mga nasusugatan. Ang Verona ay pinamumunuan ni Prinsipe Escalus. Sinabi niya sa mga Montague at sa mga Capulet na dapat na mawala na ang mga paglalaban-laban, dahil kung hindi ito titigil ay magbabayad sila na hahantong sa kaparusahan, subalit napakahirap na kontrolin ang kabataang mga lalaki.Sa mga Montague ay mayroong nag-iisang pansalinlahing supling, isang lalaking nasa kaniyang kabataan na nagngangalang Romeo. Mayroon ding nag-iisang pansalinlahing supling ang mga Capulet, isang babaeng maganda na nasa kaniyang kabataan, may edad na 13, na tinatawag na Julieta.
Member Reviews Write your own review
Tatiana.bper4
the book was entertaining and romantic but the language and the way they speak was not understandable
Be the first person to review