The Aeneid

Fantasy by Vergil

Blurb

Ang Aeneid, o Aeneis sa orihinal na pamagat sa Latin, ay isang tulang epikang isinulat ni Publius Vergilius Maro sa pagitan ng 29 at 19 BK. Nangangahulugang Ang Salaysay Ukol kay Aeneas ang pamagat nitong may nag-iisang salita. Ito ang pinakatanyag na akda sa panitikang Latin. Sinasabing isa itong makapangyarihang paglalahad ng pagtutunggali na nakasulat sa isang marangal ngunit masalimuot na gawi. Isinulat ito ni Vergil ayon sa kahilingan ng emperador na si Augustus. Sinasabing kaapu-apuhan ni Aeneas si Augustus. Pinagkaabalahan ni Vergil ang pagsulat nito ng higit sa sampung taon. Inibig sana niyang pagtuonan pa ito ng dagdag na tatlong taon para painamin pa at gumagawa ng mga pagbabago, subalit binawian siya ng buhay noong 19 BK. Nang nasa kaniyang himlayan na, bago sumakabilang-buhay, hinihingi niya ang sulating ito para tangkaing sunugin, sapagkat hindi ito isang walang-bahid dungis na gawa para sa kaniya. Ngunit tumanggi ang kaniyang mga kaibigang ibigay ito sa kaniya. Nalathala ito ng ayon sa pagkakaiwan ni Vergil, ang anyo ng akda noong mamatay na nga siya. Inatasan ng emperado na si Augustus ang dalawa sa mga kaibigan ni Vergil na ayusin at ilathala ang Aeneis ni Vergil.

First Published

19

Member Reviews Write your own review

Be the first person to review

Log in to comment