Epiko ni Gilgamesh
Blurb
Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang epikong tula mula sa Mesopotamia na isa sa pinakamamatandang umiiral na mga akda ng panitikan. Ang kasaysayang panitikan ng Gilgamesh ay nagmumula sa limang independienteng mga tulang Sumeryo tungkol kay Bilgamesh na pangalang Sumeryo ni Haring Gilgamesh na hari ng lungsod ng Sumerya na Uruk. Ang apat sa mga ito ay ginamit bilang sangguniang materyal ng pinagsamang epiko sa Akkadian. Ang unang bersiyong Lumang Babilonyo nito ay mula 1800 BCE at pinamagatang Shūtur eli sharrī. Tanging ang ilang mga pragmento lamang nito ang umiiral. Ang kalunang Pamantayang bersiyon na Babiloniya ay mula 1300 hanggang 1000 BCE at pinamagatang Sha naqba īmuru. Ang mga pragmento tinatayang 2/4 ng mas mahabang 12 tabletang bersiyong ito ay nakuha. Ang ilang mga mahuhusay na kopya ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasansa mga gibang aklatan nang ika-700 BCE haring Asiryong si Ashurbanipal.
Member Reviews Write your own review
Be the first person to review
Log in to comment