Homer: The Odyssey I-XII (Bks.1-12)
Blurb
Ang Odisea o Ang Odisea ay isa sa dalawang pangunahing sinaunang tulang epika ng kabihasnang Heleniko na pinaniniwalaang inakdaan ni Homer. Tinatayang isinulat ang tulang ito noong malapit na ang pagwawakas ng ika-8 daantaon bago dumating si Kristo, sa may Ionia, malapit sa tabing-dagat ng kanlurang Turkiya na nasasakupan ng mga Griyego. May bahagyang pagganap ang tula bilang isang karugtong ng Iliad ni Homer, at pangunahing nakatuon sa bayaning Griyegong si Odiseo at sa kaniyang mahabang paglalakbay pauwi sa Ithaca makaraan ang pagbagsak ng Troy. Hinango ang pangalan ng epikang ito mula sa bayani nitong si Odiseo.Inabot ng sampung taon si Odiseo bago muling marating ang Ithaca makatapos ang sampung-taong Digmaang Trohano. Sa panahong wala si Odiseo, kinailangang harapin ng kaniyang anak na si Telemachus at ng asawang si Penelope ang isang pangkat ng mga walang-galang na mga manliligaw, ang mga Proci, na nagpapaligsahan upang makamit ang kamay ni Penelope at mapakasal sa isa sa kanila, dahil maraming naniniwalang namatay na si Odiseo. Sa makabagong panahon, nangangahulugang "matagalan o mahabang paglalakbay o pakikipagsapalaran" ang salitang odyssey.
Member Reviews Write your own review
Alexandru.chereches
O carte exceptionala ce chiar dupa atatia ani isi pastreaza farmecul. Intr-un cuvant este o capodopera a literaturii universale.
Be the first person to review