Mga Pabula ni Esopo
Anthology by Esopo
Blurb
Ang Mga Pabula ni Esopo ay mga tradisyunal na mga pabulang Griyego o mga maiikling kuwentong tungkol sa mga hayop na naglalaman ng mga moral na aral sa hulihan, at isinulat ni Esopo. Bago naisulat, nakaugaliang ipinapasa ng bibig sa bibig ang mga kuwentong ito. Sa kalaunan, naging bahagi rin ng tradisyon ng ganitong pagsasalaysay ang hinggil sa kuwento tungkol sa buhay ng may-akda ng mga pabulang ito, na maaaring hindi totoo. Unang tinipon ang mga pabulang ito noong mga ika-4 na daantaon BK. Nananatiling tanyag ang mga pabulang ito. Sa kasalukuyan, ang mga bersyong nalalaman at umiiral ay batay sa gawa ni Phaedrus, isang Romanong manunulat na, katulad ni Esopo, ay isa ring napalayang alipin ngunit nabuhay noong mga kapanahunan ni Hesus. Isang halimba ng pabula ni Esopo ang salaysay hinggil sa isang soro na nagpasyang maaaring maaasim ang mga ubas na hindi niya maaabot upang pitasin mula sa puno nito.
Member Reviews Write your own review
Be the first person to review
Log in to comment