Paghihintay kay Godo

by Samuel Beckett

Blurb

Ang Paghihintay kay Godo o Pag-aabang kay Godo, mula sa orihinal na pamagat sa Ingles na Waiting for Godot ay isang dulang pangtanghalan ni Samuel Beckett, kung saan dalawang tauhan, sina Vladimir at Estragon, ang naghihintay sa isang taong nagngangalang Godo o Godot. Humantong sa maraming iba-ibang mga pag-unawa o interpretasyon ang hindi lumilitaw na si Godo, hindi paglitaw o hindi pag-iral ni Godo, maging ang iba pang maraming mga aspeto ng dula, mula pa noong unang pagpapalabas nito sa tanghalan. Nahalal ito bilang isa sa pinakamahalagang dula sa wikang Ingles ng ika-20 daang taon, isang pagsasalinwika ni Becket ang Waiting for Godot ng kanyang sariling orihinal na bersyong nasa wikang Pranses, ang En attendant Godot. Sa Ingles lamang matatagpuan ang pagkakaroon ng kabahaging pamagat o subtitulong "a tragicomedy in two acts" o isang trahedya-komedyang may dalawang akto o isang trahikomedyang may dalawang akto. Nilikha ang orihinal na tekstong Pranses sa pagitan ng 9 Oktubre 1948 at 29 Enero 1949. Una itong naipalabas noong 5 Enero 1953 sa tanghalang may pangalang Théâtre de Babylone.

First Published

1952

Member Reviews Write your own review

Be the first person to review

Log in to comment