Silas Marner
Blurb
Ang Silas Marner: The Weaver of Raveloe o "Si Silas Marner: Ang Manghahabi ng Raveloe" ay isang madramang nobela ni George Eliot na unang nalathala noong 1861.Pangunahing tauhan sa nobelang ito ang isang manghahabi na naging labis na nahumaling sa gintong nakakamit niya dahil sa kanyang pangangalakal. Nilarawan sa kuwentong ito ang kanyang puso bilang isang nakakandadong kabaong na naglalaman ng kayamanan sa loob. Ngunit sumapit ang isang gabi kung kailan ninakaw ang kanyang ginto. Nanlata, nalungkot, at naging sawi si Marner dahil sa kanyang kawalang ito, hanggang sa makatagpo siya ng isa pang kayamanang nasa anyo ng isang batang babaeng ulila, na lumitaw sa kanyang pintuan. Nang buksan niya ang kanyang tahanan para sa paslit na ito, nakatagpo siya ng isang gantimpalang mas nakahihigit pa kaysa tunay na ginto.
Member Reviews Write your own review
Be the first person to review
Log in to comment